bomb or LPG or something else?

Ewan ko ba, pero masama ang naiisip ko sa nangyaring pagsabog kahapon sa may Glorietta 2. Habang pinapanuod ko yung news about the incident, kinkilabutan ako dahil nung isang sabado lang ay nandun ako.

Hindi ako expert sa mga ganyan bagay, pero hindi ako naniniwala na LPG tank ang dahilan. Pwedeng bomba, sabi nga nila. Ang tanong ko, sino ang may gawa?

Hindi ako nambibintang at hindi ako nagaassume pero ang una kong naisip ay hindi ito terrorista eh. Ang una kong naisip ay ang mga tao sa Malacanang. Lagi lang silang tatahitahimik, pero nararamdaman ko na kayang-kaya nilang gumawa ng ganyang bagay. They have the means. May kakayanan silang gawin ang halos kahit ano. (O dahil fan ako ng Prison Break, kaya ganito na ko mag isip? Waah.)

Hindi ba timing na kahapon din ang araw na umapila si Erap sa korte? Ewan ko. Magulo.

Lalo akong kinabahan nung mapanuod ko sa news yung sinabi ni ex-senator Maceda at nung iba pang ininterview. Parang parehas kami ng iniisip.

Hindi dahil sa hindi ako fan ng Arroyo government eh totally na ayaw ko sa kanila. May mga pamamalakad lang kasi na hindi ko gusto. Marami kasi akong tanong sa mga issue na nangyayari sa bansa na hindi naman nila sinasagot, o kaya naman ay idadivert nila sa iba pang issue. Parang iwas na iwas sila kapag may mga issue na involve ang administration.

*** 

Naiinis ako sa narinig kong sinabi ng isang tao, sabi niya, “wala namang magagawa, nangyari na. Kung mamatay ka, e di mamatay ka na.” Naginit ang ulo ko nung narinig ko yun! Napaka insensitive! Palibahasa kasi hindi siya kasama dun! Hindi ba niya narealize na marami ang nasaktan at may mga namatay din? Sana hindi nalang siya nagsalita.

Ipagdasal natin na sana wala na ulit mangyaring pagsabog. At sana laging safe ang lahat.

Medyo nadisappoint ako sa security ng mall. To think, isang siya sa sikat na mall dito. Bakit nakalusot kung bomba nga iyon. Sigh? O sadyang planado talaga ang lahat? Sino lang ba ang may mga access sa pag gawa ng c4 na bomb? Lecccch talaga.

Hindi ako nambibintang. Hindi din ako assuming. Ang akin lang, hindi ba kayo nagtataka? Gumana nanaman ang imagination ko.

Anyway, back to work. Inaantok ako, kaya naisipan ko magblog. Masama din pala ang gising ko kaninang umaga. Yun lang po.

Pahabol.

At siyempre. Ang dami nanaman na nag paphoto op lang.

Bow.

4 Comments »

  1. […] Bomb or LPG or Something Else? […]

  2. […] Trabaho ng mga Duwag! Security Stupidity G2 Blast Terrorist Attack or A Cover Up Quiet Time Bomb or LPG or Something Else? Raw video taken immediately after Glorietta bomb blast What’s Happening in Makati City? […]

  3. hey ))
    its very interesting article.
    Nice post.
    realy gj

    thx 🙂

  4. Red October Said:

    […] Bomb or LPG or Something Else? […]


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: