Written in Filipino…

Naiinis ako sa ABS-CBN at GMA 7 (pati narin cguro sa lahat nagaabot ng balita). Lalo na ang news program nila. Masyadong sinsensationalize ang mga balita. Pinapalaki. Ginagawan ng kwento. Hindi ba dapat ay nagfofocus lamang sa facts? Hindi yung kung anu-anong spekulasyon at opinyon ang binubuo sa isang balita.

Tuwi nalang papasok ako sa umaga, ang mga bus na sinasakyan ko nanunuod ng balita. Ang pinakaikinaiinis ko ay ito:

a. ito ang headline kunwari, “BABAE NADUKUTAN SA MAY LRT.”      

Newsanchor: EXCLUSIBO! BABAE NADUKUTAN SA LRT. NARITO SI REPORTER 1.

Newsanchor: EXCLUSIBO! ACTRESS 1 at ACTOR 2 HIWALAY NA.

commento ko: E putek, ganun na pala ang mga exclusive na balita. Parang hello!!! Nang gagago ba kayo? At yang sa showbiz, nakakairita na. Yung mga away ng artista? Pinapalaki lalo. Kukunin ang side ni ganyan, kukunin ang side ni ganito, pero ano? Hindi naman ipinapalabas ang buong side ni ganito at ganyan. Pinag puputol putol ang mga soundbytes. Nakakairita. Kaya yun. Imbis na maayos ang problema, hindi. Lalong gumugulo. Wow talaga. Ang MEDIA nga naman. O siguro sa Pilipinas lang ito.

b. Sa isyu ng kababaihan at mga minor na edad.

Commento ko: Halimbawa ay may narape na batang babae o babae. Hindi nga nila ipapakita ang mukha ng biktima o sasabihin ang tunay na pangalan, pero ang pangalan ng magulang o ng mga kapitbahay na iniinterview ay andun sa CHYRON!!! Putek!!! Lito Atienza, ama ng biktima. Nabobobohan tuloy ako sa kanila. Malamang e di obvious na sa pangalan palang.

c. Pagpapakita ng pangalan ng mga nahuli o napagbintangan sa isang krimen.

Commento ko: Hindi ba nila alam na public humiliation na iyon. Hindi pa nga napapatunayan na GUILTY eh hinahatulan na na GUILTY. Ipapakita ang mukha at buong pangalan? Siguro ay case-to-case basis pero may mali pa din. Paano na lang kung hindi nga talaga guilty? Hindi ba alam ng media na malaki ang epekto nun sa tao? Pantay pantay dapat ng karapatan pag justisya na ang pinaguusapan.

d. Pag abuso sa pribilehiyo.

Commento ko: Naku! Talamak ang mga media men na sobra kung umabuso. “taga media ako! kayang kaya kitang gawan ng kwento!” Eh FUCK YOU nyo pala. Kaya tuloy wala na din tiwala ang mga tao sa inyo. Pati sa sasakyan, may ID silang may nakalagay na malaking PRESS. Akala mo kung sino sa daanan. Tsk tsk.

e. Paguulat ng mga plano at strategy ng mga pulis.

commento ko: Eh di naobvious??? Tulad na lang dati, nung nagpadala ng mga kano dito sa Pinas. Aba, may nabasa ako sa dyaryo na parang ganito, “20,000 American Soldiers pinadala sa Mindanao…” WOW. Edi alam na ng kalaban na 20,000 ang dadating. May mga bagay na hindi dapat ipagbigay alam sa publiko. Tulad nalang nung start ng classes. Nagpakalat daw ng mga pulis sa U-Belt, at may mga naka hindi uniporme na pulis! O ayun, malamang alam nanaman. Tsk tsk. Ang laki talaga ng problema.

f. Pagkuha ng litrato.

Commento ko: Ay sus ko. Dito ako pinaka naiinis. Imaginin mo nanunuod ka ng CSI, pero Pilipinas ang setting, naku, nangunguna ang media dyan, naunahan pa ang mga pulis. Hindi ba nila alam na bawal ang media sa isang crime scene dahil baka matamper ang evidence? Naku, ung ibang photgrapher, para makakuha ng maganda, ginagalaw ang kung anu anu sa bahay tapos Click. Wala na. Nagalaw na ang mga nakapaligid sa scene. Asar din ako sa photo ops na nilalagay nila ng mga pulitiko. FOR PHOTO OPS lang tlga.

Magfocus kayo sa dapat na pagfocusan. Hindi yung kung ano anu ang inilalagay ninyo sa utak namin. Dun lamang po tayo sa mga bagay na dapat at wag na gumawa ng iba pang issue. Ang babaw na kasi ng tingin sa inyo. May mga kilala akong taga media na binabayaran para sumulat ng magandang artikulo kay Mayor ganyan, o kay congressman ganyan. Sus ko. Kaya bumababa ang credibilidad nyo.

WATCH DOG KAYO DIBA? SANA PANINDIGAN NYO. WAG KAYO MAGING BULOK.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: