pahingi naman ng swerte sa mga swerte dyan.
Nagbigay na ko ng letter sa TM namen, and I’m crossing my fingers, sana i-approve nya ang leave ko. May ticket na ako, at papatayin ako ng tita ko kung icacancel ko yun, dahil sa pagkakaalam ko, non-refundable un. Waah. Kaya share some luck. Hihi.
At wala din naman ako balak i-cancel, dahil gusto ko din talaga mag punta dun. More than 10 years na kami hindi nagkikita nung pinsan ko na nag aya sa akin na pumunta dun. Tsk tsk. And if next year pa ako pupunta, malamang bumalik na siya ng states or kaya naman, nasa Europe na siya. Feeling namen, this November na lang ang last chance namin para magkita ulit.
At siguro, kailangan ko din muna mawala talaga sa office scene. Honestly, wala na ko reklamo hehe. 13 working days lang naman ang hinigingi ko.
Fingers crossed until wala lang.





